ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA



Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan nito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa.

 

Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cellphone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at maginhawang pamumuhay. Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong teknolohiya natinatawag na internet. Ang impormasyon ay ang kapangyarihan, at ang mga taong makakahanap ng impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging magtatagumpay.

Hinihikayat ng makabagong teknolohiya ang mga makabagong ideya at ang pagiging pagkamalikhain. Ito ang nagsisilbing ilaw ng isipan upang gumana sa buong potensyal nito.

 

Nawa’y matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. 



GROUP 3 

https://abanteblog.wordpress.com/2015/11/15/makabagong-teknolohiya/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Teknolohiya



 

Comments

Popular Posts