ANONG MGA TEKNOLOHIYA GINAGAMIT NG MGA MAG-AARAL?
Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ang mabilis na pagbabago sa mundo dahil sa pagkasilang ng teknolohiya. Saan mang sulok ng daigdig, mayaman o mahirap mang bansa, lahat ay gumagamit na ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya sa iba’t-ibang uri ng larangan kagaya ng pag-aaral.
Sa loob ng klase ay mapapansing
kaagapay ng guro at estudyante ang teknolohiya kagaya ng Cellphone, Laptop,
Tablet, Computer upang mapadali ang talakayan at leksiyon.
Ang Computer at Laptop
ay nakatulong ng malaki sa ating mga mag-aaral lalung-lalo na sa aspeto ng
pananaliksik at pagtuklas. Maaaring hindi na kailangang gumamit ng libro upang
kumuha ng mga kakaunting impormasyon dahil may makabagong teknolohiya maaaring
maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung
walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka
makakapag siyasat ng iyong hinahanap.
Ang Cellphone na kadalasang ginagamit sa pagkomunikasyon o sa pag
reresearch ng mga takdang aralin at iba pa. Ang Projector na ang
ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante.
Natutulungan nito ang mga guro na maipakita ang biswal na larawan ng
kanilang itinuturo at makita ng mas malaki ng mga ma-aaral. Ang Calculator
ay bahagi din ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang adisyon, pagbabawas
, pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa madaling salita ay pagbibilang.
Ang Batayang Teoretikal ng Aklat o
Tablet ay batay sa payo sa pagtuturo ni McKeachie/Svinicki (2014).
Ayon sa kanya, ang pagtuturo gamit ang teknolohiya ay maaaring makapagdulot ng
kaalaman sa tao batay sa iba't-ibang imahe depende sa sariling mga karanasan ng
instructor at mag-aaral. Ito ay maaari ding gamitan ng PowerPoint tungo sa
pagtugon ng mga mag-aaral sa loob ng silid aralan sa kanilang mga aralin at ang
iba rin ay maaring tumutukoy sa mga aplikasyong pang disiplina tulad ng
pagdidisenyo ng mga interactive na mga module sa pag-aaral at mga simulation
Web-based na magturo sa mga kasanayan at konsepto.
Totoo talagang ang teknolohiya ay
may malaking naitulong sa buhay ng isang tao, mapa-guro man o estudyante. Gamitin
natin ang mga teknolohiyang ito ng madalas para sa ating edukasyon. Dahil ang edukasyon
ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman. Ang isang taong edukado
ay isang taong maalam sa buhay. Masasabi natin na malaking tulong ang
teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon.
Dapat nating gamitin sa tamang paraan ang teknolohiya lalo na sa ating
pag-aaral.
MANUEL, RISTTHER
https://www.verdict.co.uk/wp-content/uploads/2017/11/smartphones.jpg
Magandang Araw!
ReplyDeleteMakikita sa bahaging ito na maraming naimbento upang mapadali lahat ng bagay. Magiging matibay ang punto na binibigyang diin kung mayroong bilang ng datos para mapkita ang suporta sa panig.
maraming salamat sa pagbabahagi.