ANG MADALAS BANG PAGTETEXT AY NAKAKA-APEKTO SA LITERASIYA NG ISANG KABATAAN?


Ang texting ay isang makabagong teknolohiya na ating ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa ating mga malapit sa buhat tulad ng pamilya at kaibigan na nasa malayong lugar. At ang texting ay madalas nating gamitin sa araw-araw, kahit saan tayo magpunta ang pagtetext ay hindi natin maiiwasan.

May masama ring dulot ang texting, Una, dahil maaaring nakakalimutan na natin ang mga tamang pagbaybay ng mga salita tulad na lamang ng "sino" minsan ay nababaybay natin ito ng "cno" at marami pang mga halimbawa ng mga salita na madalas nating hindi na natatama dahil sa impluwensya ng texting. Pangalawa madalas natin itong ginagawa lalo na't kung tayo ay tamad magsulat ito ang tinatawag nating " shortcut words" upang mapabilis ang ating pagsusulat ginagamit na natin ang mga strategies ng texting sa ating pagsusulat. Pangatlo, maling gramatika o maling pagsasaayos ng salita, dahil sa halo halo na ang ating mga strategies sa pagtetext, minsan ang ating mga pangungusap ay hindi na tama ang gramar tulad nalang nito; "san ka nagpunta ka gabi?" na nagagawa nating "san ikaw nagpunta kagabi?" Mga simpleng pangungusap ngunit hindi tama ang pagsasaayos ng mga salita.

Ang madalas nating paggamit ng texting ay makakaapekto rin sa ating pormal na pakikipag-usap, dahil may mga posibilidad na nakakalimutan na natin ang mga tamang salita para sa pormal at impormal na pakikipag-usap.  At maaaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap.

Kung kaya't hanggat maaari alam natin ang ating limitasyon sa paggamit ng mga ito, dapat alam nating balansehing gamitin ang dalawa, dahil parehas naman nating magagamit ang mga ito, ngunit hindi sa lahat ng sitwasyon.




VERGARA, JENNY 

https://thelocalbrand.com/how-text-messaging-affecting-teen-literacy/



Comments

  1. Magandang Araw!

    Mayroon nga kayang epekto ang pagtetext sa literasiya ng isang tao. Gayunpaman may ibang salita na mali ang gamit.

    Maraming salamat sa pagbabahagi.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts