ANG MGA KABATAAN BANG GUMUGUGOL NG MAS MARAMING ORAS SA SOCIAL MEDIA AY MAS NAKAKARANAS NG ANXIETY O DEPRESSION?

 


Ang Social Media ay isa sa mga pamamaraan ng makabagong mundo upang makipag-ugnayan sa mga tao na kung saan nagbabahagi ng mga mensahe, kaalaman at pagpapalitan ng iba’t ibang impormasyon.Tumutukoy ito sa mga apps kagaya ng Facebook, Messenger, Twitter, Instagram at marami pang iba na produkto ng makabagong teknolohiya na maraming benepisyo ang naidudulot nito sa bawat tao sa modernong panahon, dito nabibigyan ng pagkakataon ang bawat indibidwal upang birtwal na makisalamuha sa mga tao malayo man o malapit.

Sa kabila ng mga mabuting naidudulot ng social media ay mayroon din itong naidudulot na masamang epekto lalo’t higit sa mga kabataan. Dahil sa pagiging laganap nito dala ng malakas na impluwensya, marami sa mga kabataan ang lubos na nahuhumaling dito. Ang lubos na pagtutok sa social media ay nakakaapekto sa mental na kalusugan ng mga kabataan sapagkat dito ay nakakaranas ng iba’t ibang uri ng mga pangyayari kagaya na lamang ng tinatawag na Cyber Bullying na kung saan madalas na nagaganap ang bullying o krimen sa pamamagitan ng internet. Ayon sa isang pag-aaral noong 2016, higit sa 450 na teenager ang natagpuang labis na pag-gamit ng social media sa gabi at pamumuhunan sa emosyonal na kalusugan gamit ang social media tulad ng pakiramdam ng pagkabalisa kapag pinigilan mula sa pag-log in na nagdudulot sa bawat isa sa ng mababang kalidad ng pagtulog at mas mataas na antas ng pagkabalisa at pagkalungkot na tinatawag ding anxiety o depression. Ayon din sa mga mananaliksik, ang social media ay nagdudulot sa mga kabataan na maging mababa ang tingin sa kanilang sarili, “It exposes young people to images that promote upward social comparison and makes them feel bad about themselves,” ayon sa isang psychiatrist na si Patricia Conrod. Dahil na rin sa pakikisabay ng mga kabataan sa mga sumisikat na trend sa social media ay mas nagugugol ang oras sa pananatili dito upang maki-ayon sa mga pamantayang itinakda ng lipunan (standards) na nakakaapekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan kapag hindi nila natugunan ang ekpektasyon ng nakararami. Kadalasan, ang pakikisalamuha sa social media ay naiuugnay sa madalas na paggamit ng mga salitang negatibo kagaya ng pang-iinsulto o agresibong pananalita ay maraming nagiging iba’t ibang epekto sa isang indibidwal.

Ang social media ay nagiging tulay na nag-uugnay sa kasalukuyang panahon hanggang sa hinaharap sapagkat dito nagbabahagi ng bagong kaisipan at kaalaman na posibleng makatulong sa nakararami sa pamamagitan ng mga impormasyon na may kinalaman sa makabagong teknolohiya, mga balita at mga pagbabago na makaka-impluwensya sa hinaharap. May mga matutunang kaalaman at aral na maaring makapag-paunlad o makapagpalago sa kinabukasan ng bawat isa.




RAMOS, ANDREA CLAIRE

Google (Social Media Depression)

https://www.theburnin.com/wp-content/uploads/2019/07/social-media-fuels-depression-in-kids.jpg

Goggle (Impacts of Social Media to Teens Study)

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/tween-and-teen-health/in-depth/teens-and-social-media-use/art-20474437#:~:text=A%202016%20study%20of%20more,levels%20of%20anxiety%20and%20depression.

https://www.theburnin.com/lifestyle/social-media-fuels-teenage-depression/


Comments

  1. Magandang Araw!

    Makikita talaga ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan. May ilang salita lamang na mali ang gamit ngunit nakita sa kabuoan ang nais ikintal sa isip ng mga mambabasa.

    Maraming salamat sa pagbabahagi!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts