ANG PAGGAMIT BA NG SMARTPHONES AY NAKADARAGDAG O NAKA PAGPAPABAWAS NG PAGIGING PRODUKTIBO NG ISANG EMPLEYADO SA TRABAHO?



Ginawa ang mga telepono upang maka-usap mo ang mga mahal mo sa buhay kahit na sila ay nasa malayo. Ngunit sa paglipas ng panahon hindi na lamang pantawag ang silbi ng iyong telepono. Maari mo na itong magamit sa iyong trabaho at mapangbayad ng mga gastusin sa pamamagitan ng tinatawag na online bill payments at marami pang iba.

Ang paggamit ng smartphones ay may mga positibo at negatibong epekto sa isang empleyado sa loob ng trabaho. Unahin natin ang positibong epekto nito. Una, ginagamit ang smartphones sa loob ng trabaho upang maging konektado sa iyong mga katrabaho. Pangalawa, nakatutulong ang paggamit ng smartphones para lalo pang mahubog ang samahan ng mga magkakatrabaho at ng kanilang mga nakakataas. Pangatlo, ang paggamit ng smartphones ay nakatutulong upang mapalawak mo ang iyong kaalaman sa isang bagay at maibahagi mo ang iyong karanasan o kaalaman sa iba sa pamamagitan ng paggamit ng smartphone. 

Ngunit, kapag tinignan natin ang iba’t ibang angulo ng paggamit ng smartphones ng mga empleyado sa trabaho ay hindi mawawala ang mga negatibong epekto nito. Una na riyan ang pagiging adik ng mga empleyado sa kanilang mga smartphones o ang tinatawag na mobile addiction dahil rito nagiging distraksyon ito para sa mga empleyado upang matapos nila ng mabilis ang kanilang mga trabaho at hindi na nabibigyang pansin ang tinatawag na one on one communication ng mga empleyado dahil ang bawat isa sa kanila ay busy sa kani-kanilang smarphones. Pangalawa ay nawawala ang pagiging makasalamuha ng isa dahil nasa kanyang smartphones lahat ang kanyang tuon. Pangatlo, karamihan sa mga empleyado ay nasasayang ang oras para sa trabaho sa opisina at dinadala nila ang kanilang mga trabaho sa bahay kaya ito ay nagreresulta ng pagkakaroon ng isang  empleyado ng matinding stress kung tawagin. At panghuli, nabibigong sundin ng mga empleyado ang mga pag-uugaling dapat sundin sa loob ng kanilang mga trabaho.

Masasabi nating parehas na may positibo at negatibong epekto ang paggamit ng smartphones sa trabaho kaya naman nagpatupad ang mga kumpanya ng mga alituntunin na dapat sundin ng mga empleyado upang maiwasan ang labis na paggamit ng smartphones. Ang mga halimbawa nito ay ang pagpapatupad ng mga kumpanya na ang bawat empleyado ay dapat magkaroon ng tinatawag na create to do list kung saan doon nila ililista ang mga trabaho na kailangan matapos ng isang empleyado sa nakalaang oras. Pinayuhan din ang mga empleyado na patayin ang kanilang mga smartphones sa oras ng trabaho upang maiwasan ang mga distraksyong dulot nito. Malaking tulong ang paggamit ng mga smartphones sa trabaho kung ito ay magagamit ng tama.



JOSON, JONH MIKAEL M. 

http://www.arabessay.com/do-smartphones-increase-or-decrease-workplace-productivity/

Comments

  1. Magandang Araw!

    Makikita talaga ang dulot ng gadgets sa ating mga kabataan. May mga salitang mali ang naging gamit at mas mainam kug=ng nabigyan ng datos na magbibigay diin sa punto.

    Salamat sa pagbabahagi!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts