ANG SOCIAL MEDIA BA AY ANG DAAN UPANG MAPAGTIBAY ANG KOMUNIKASYON AT ANG RELASYON NG TAO O HINDI?
Sa pangkaraniwang pag-iisip ng tao, masasabing oo at hindi ang sagot. Ngunit wala pa rin itong malawak na katibiyan kung ang social media ba ay nakaka-epekto sa pakikipagsalamuha sa isa't isa. Lalo na kung ito'y hindi nararanasan ng pangkalahatan.
Unahin muna natin sa mga may pamilyang may magandang relasyon at komunikasyon sa isa't isa. Marahil, masasabi nila na hindi nakaka-epekto ang social media para mapagtibay ang kanilang relasyon. Sa kadahilanan ng pagbibigay nila ng sapat na atensyon upang hindi na nila ito kailanganin. Sanhi ito ng malusog na relasyon sa kanilang kinalakihan. At may iba namang, balanse ang pakikipagsalamuha sa totoong buhay at paggamit ng social media. Kaya makikita natin na may magandang epekto ang social media at nagagamit ito para maging konekta sa isa't isa. Ngunit sa ganitong panahon. Mas nagagamit natin ang social media sa iba't ibang kadahilanan. Pano naman ang mga taong hindi maganda ang relasyon sa kanilang pamilya o kanino man? Ayon sa aking nababasa sa social media. Napakadaming sumasandal sa social media upang maging masaya ang kanilang araw. Bunga ito ng hindi magandang relasyon sa kanilang pamilya, walang kaibigan o kaya may mental illness. At dahil sa social media, may nakikilala silang tao na hindi nila kilala at nagkakaroon ng magandang koneksyon sa mga nag hahanap ng makaka-usap. Napapalapit sila at nagkakaroon ng kasiyahan sa kanilang puso. Habang tinatalikuran ang kani-kanilang problema. At dahil dito, mas napapalayo sila sa kanilang realidad, lumalala ang pagiging mag-isa, at hindi kagandahang relasyon sa pamilya. Ito ang hindi magandang epekto ng social media.
Maraming mga bagay na hindi nagtutugma, kadahilanang tayo ay may sari-sariling nararanasan o dahilan bakit natin ginagamit ang social media. May ibang kailangan ito para mabawasan ang lungkot na bumabalot sa kanila, may mga taong hindi na kailangan ito dahil sapat na ang atensyon na binibigay sa kanila, at may mga taong ini-isip na pareho itong nakakatulong at hindi. Sa huli, ang kasagutan ay nasa ating perspektib. Kung pano at bakit ito makakatulong sa atin, ang social media ay daan ba para maging konekta tayo isa't isa o hindi. Alam natin sa ating sarili ang kasagutan. At kailangan natin itong kontrolin bago pa tayo makontrol ng makabagong teknolohiya.
Magandang Araw!
ReplyDeletenaipakita ang relasyon maging ang pagbibigay daan nito upang higit na makatulong ngunit mas mainam na nakapaglagay sana ng datos o bilang patungkol dito may mga salitang mali rin ang gamit.
Maraming salamat sa pakikibahagi!