KAILAN ANG PINAKAMAGANDANG EDAD PARA SA ISANG BATA UPANG MAGSIMULANG MAGKAROON NG ISANG SMARTPHONE?
Ang smartphone ay ang gadget na ginagamit ng nakababata o nakatatanda upang makatawag o makatext sa kanilang mga kakilala, ito rin ay madalas na gumagamit ng internet. Naging maganda ba ang dulot na pagbabago ng pag-upgrade ng smartphones?
Ang edad na nakabubuti sa paggamit ng smartphones ay hindi bababa ng 12 edad dahil maaaring magkaroon ng brain tumor ang bata. Ang maaaring epekto ng smartphones sa murang edad ay lumabo ang mata. Mahalaga rin sa mga batang nasa murang edad pa lamang na mabantayan agad sila ng kanilang mga magulang at dapat silang limitahan sa paggamit ng smartphones upang hindi masanay na nakatutok palagi sa gadget. Dapat na tutukan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggamit ng gadget o anumang devices na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang mga anak. Ayon kay Dr. David Servan-Schreiber (2011), “Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda.” Maaaring nakatutulong nga sa atin ang pagkakaroon o paggamit ng smartphones pero dapat pa rin tayong maging maingat sa paggamit nito dahil sabi nga ng nakararami “Ang sobra ay nakasasama”
Sa paggamit ng smartphones tayo ay dapat na maging responsable upang kaya nating limitahan ang ating sarili. Para naman sa mga bata na nasa murang edad, dapat na ingatan ang mga mata sa gadget hangga’t maaga pa. Maaari itong nakatutulong sa ating pag-aaral ngunit bigyan din natin ng kahalagahan ang sarili nating kalusugan.
Magandang Araw!
ReplyDeleteMayroon nga bang tamang edad sa paggamit ng gadget? Gayunpaman sa pagpapakita ng mga datos naipakita ang punto. Mayroong mga salitang naging mali ang gamit. Mas maganda kung hinabaan pa ang pagbibigay ng punto.
Maraming Salamat sa pagbabahagi!