ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Ang teknolohiya o aghimuan ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan nito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa. Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cellphone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at maginhawang pamumuhay. Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito a